Napaiyak ang Bayan Patroller na si Mercedes A. Leaño, sa awa sa kanyang mga pasyenteng Hapon.
May 2010 nang nagtrabaho bilang Caregiver ( under JPEPA) si Mercedes sa Special Elderly nursing home sa Shirakawa City sa Fukushima, Japan.
Pitumpu’t kilometro ang layo nito mula sa nuclear power plant, kung saan ilang pagsabog ang naganap.
Sabi ni Mercedes, hindi niya maatim na iabandona ang mga matatanda na tanging sila na lang daw ang inaasahan.
“Down na down na nga po sila, iiwan pa po natin sila… Although may anak po ako, ayaw ko pong iabandona itong mga ito dahil commitment ko po ‘yan,” ani Mercedes.
Noong Miyerkules ng hapon, nagpa-rescue na sa ABS-CBN News ang ilang mga Pinay nars sa Fukushima, Japan.
Matindi na ang lamig dahil sa snow. Ang mga bahay sa lugar, inabandona na.
Sa mga oras na ito, naroroon pa rin ang kinatatakutang banta ng radiation.
Sa gitna ng panganib, ayaw talikuran nina Mercedes ang sinumpaang tungkulin. Jing Castañeda, Patrol ng Pilipino
to view the video click here
source: www.abs-cbnnews.com